Fiesta pala sa Quiapo ngayon. Kaya pala sobrang traffic sa ka-Maynilaan. Halos lahat ng nakakasalubong naming tao ay naka-maroon na damit. At karamihan sakanila ay nakayapak lang habang naglalakad sa ilalim ng nakatirik na araw. Pagod, naiinitan at gutom. Ito ay normal na eksena lamang tuwing ipinagdiriwang ang kapiyestahan ng itim na Nazareno. Panata nga ba ito o parusa? At para malaman ang kasagutan ay dumagsa kami sa Quiapo kasama ang napakaraming tao at yan ang TRIP namin ngayon! Tara mga tripapips!
Oo. Hindi kami nagbibiro. Trip namin to ngayon! Sinubukan naming makigulo at makisaya kasama ang milyon-milyong mga deboto bilang pagdiriwang ng kapiyesta ng itim na Nazareno. Ipinagdiriwang ito taon-taon tuwing ika-9 ng Enero sa Quiapo, Manila. Gusto lang naming maranasanan ang nararanasan ng milyon-milyon nating kababayan na nakikiisa sa pagdiriwang nito.
Nakatambay kami sa MOA noon at habang kumakain ay biglaan naming naisip na pumunta sa Quiapo para maranasan rin ang pagdiriwang ng kapiyestahan doon. Kaya pala walang tao sa MOA noon ay dahil lahat ay nasa Quiapo. Hahaha. Binaba kami ni mamang taxi driver sa may Philippine Normal University. Hindi na raw kasi makakapasok ang sasakyan papuntang Quiapo. Kaya wala kaming choice kundi maglakad. Pero sa Manila City Hall pa lang ay sobrang dami na ng tao kaya doon na rin kami nagsimulang makigulo. Halos alas tres ng hapon na kami nakarating doon at ayon sa balita ay nagsimula na ang prosisyon ng madaling araw pa lang. Sa mga oras na iyon, mukhang parami ng parami pa rin ang nagsisidatingan at nag-aabang na mga tao.
Kung dati sa TV lang namin nakikita ang pagdiriwang na ito, ngayon, kabilang na rin kami dito. Nagdadalawang isip pa kami kung itutuloy namin ang biglaang plano namin dahil iniisip namin kung ano ang maaring mangyari saamin. Baka madukutan kami o masaktan. At sa sobrang pag-iingat namin, halos hindi na matanggal ang mga backpack namin sa harapan. Hahaha.
Kung dati sa TV lang namin nakikita ang pagdiriwang na ito, ngayon, kabilang na rin kami dito. Nagdadalawang isip pa kami kung itutuloy namin ang biglaang plano namin dahil iniisip namin kung ano ang maaring mangyari saamin. Baka madukutan kami o masaktan. At sa sobrang pag-iingat namin, halos hindi na matanggal ang mga backpack namin sa harapan. Hahaha.
Nagsimula kami sa Padre Burgos Street. Simula pa lang ng pagkarating namin ay sinalubong na kami ng mga nakangiting mukha ng mga tao. Lahat ay masaya at nagtatalunan habang nagpapakuha ng litrato. Kaya syempre nakisali na kami at hindi nagpahuli. Ganito pala ang eksena tuwing ipinagdiriwang ang fiesta ng Quiapo. Sari saring tao ang nakapalibot saamin. halos lahat ay nakapaa lamang. Kitang kita ang layo ng nilakbay ng bawat isa dahil sa dungis sakanilang mga paa.
Nilibot namin ang buong kalye. Hindi kami nakuntento sa iisang lugar lamang kaya naglakad lakad pa kami. Ngunit habang naglalakad kami ay sobrang daming nangyari. Madaming nakilala, madaming eksena at madaming pawis ang pumatak. Hindi pa nga kami tumatagal ay halos susuko na kami dahil sa init ng araw, sa pagod at sa gutom. Pero lahat ito ay napapawi kapag nakikita namin ang saya sa bawat taong nakakasalubong namin. Ang iba pa nga ay niyaya kaming magpapicture at sasabihin saamin na, "Hey! Can you take a shot of me?" Haha.
Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay biglang nagutom at kumulo ang aming mga tiyan. Wala namang malapit na tindahan at puro fishball stands lang ang available. bat pa kami magpapaka-choosy eh gutom na gutom na kami. Kaya fishball at buko juice lang ay solve na kami. Sarap nga eh!
Habang patuloy kaming naglalakad ay marami kaming nakilalang mga iba't ibang grupo ng mga deboto. Ang iba ay nagpapahinga at ang iba naman ay walang tigil sa kakaikot habang nag-aabang sa Nazareno. Kanya kanyang trip din ang bawat grupo. May mga nakaupo lang, may mga sumasayaw, may mga nagtatakbuhan at ang iba naman ay rumarampa lamang.
At para masmakatotohanan ang aming karanasan ng pagiging deboto ay bumili kami ng T-shirt na kapareha ng mga deboto sa halagang 175 pesos ang isa pero dahil magaling kaming tumawad ay nakuha namin itong 250 pesos para sa dalawa. Pwede na rin di ba? Hahaha. At agad-agaran na kaming nagbihis. Sobra kaming excited na marating ang Quiapo Church kaya tumungo na kami agad.
Hanggang naabot namin ang simbahan. Punong puno ito ng mga deboto. Parang may konsiyerto lang ng isang sikat na banda. Walang pinipiling edad at kasarian. May bata, matanda, babae, lalaki at kung anu ano pa. Halos lahat doon na nagtipon-tipon. Marami ang nakaabang sa labas ng simbahan at nakikinig sa misa. Pati nga may mga kapansanan ay hindi nagpapigil sa kanilang pnanampalataya.
Sinamantala na rin ng ibang mga tindera ang pagdagasa ng maraming tao sa fiesta ng Quiapo. Sa labas ng simbahan ay makikita ang sari-saring paninda ng ating kababayan na nagdagdag din ng kulay sa kapiyestahan.
At habang nagiikot-ikot kami sa labas ng simbahan na parang nagmo-malling lang, madami kaming nasaksihang mga eksena. Isa na dito ay ang isang mamang lasing na inakala namin ay inaatake sa puso. Bigla naming itinayo si manong at agad agad kaming tumawag ng medical assistance pero ang ending ay pinaupo lang si manong sa isang tabi. Kung sabagay, wala namang gamot sa kalasingan kung hindi tulog lang. Kaya manong, itulog mo na yan! Lasing pala si manong. Pinakaba pa kami. Hehehe.
Sa isang banda naman ay na may nagkukumpulang mga tao at tila nagkakagulo. Yun pala ay mag iniinterview ang May Tamang Balita. Kaya lumapit kami at nakiusyoso. At walang kamalay malay ay napabilang si Tripapips Jong sa ini-interview. Kaya abangan natin yan sa GMA 7. :) Panoorin natin mga katripapips!
Pati pala si Dora ay nakisali na rin nang bigla na lang lumipad sa langit.
Bago pa magtapos ang aming paglalakbay ay muli kaming nakadama ng gutom kaya nagfood trip kami. Ngayon lang din namin naranasang tumawid sa matataas na bakod sa kalasada. Pawis na pawis na kami at pagod na pagod. At para makapagpahinga muna ay kumain kami ng kwek-kwek, fishball at siomai.
Inabot kami hanggang alas siyete ng gabi. Hindi na namin nahintay ang pagdating ng Nazareno. Hindi na kaya ng aming mga paa na maglakad pa. Kakaibang trip ito! Nakakapagod pero sobrang masaya.
At dahil sa pagsama namin sa mga deboto ay lalo naming naintindihan kung gaabo kasaya mapabilang sa pagdiriwang na ito. Maaaring sa iba ay isa itong panata at sa iba ay isa itong parusa. Ngunit para saamin ay hindi na importante yon. Ang mahalaga ay naging masaya ang lahat at muling nagkasasama sama ang lahat sa paggunita ng kapiyestahan ng itim na Nazareno.
Sobra kaming nag-enjoy sa isang kakaibang trip na ito. Madaming kakaibang karanasan, kakaibigang kasiyahan at lalo na ay ang mga kakaibang aral. maraming salamat sa mga taong naging bahagi ng aming trip. Hindi man namin kayo nakilala ng lubos ay naging bahagi pa rin kayo ng isang masayang paglalakbay namin. Maraming salamat mga Tripapips! :)
31 comments:
Hahaha! ok ang post mo.nakakaaliw basahin at tingnan mga photos .yung isang bata masama tinign sa back pack ni Jong.huling huli ng camera.
I'm catholic yet I don't get it. The Bible doesn't teach it as well. I guess it's okay, as long as it makes people happy and believe in God.
nice pictures you took of the procession. They do capture the vibrant expression of faith. People wanting to touch the image reminds us of the passage in the Gospel of the woman wanting to touch Jesus but couldnt because of too many people, "if only I could touch even just the hem of his garment" What faith!
aliw lang! mukhang enjoy niyo ang trip niyo ngayon at may interview pa. =)
Love the photos. pareho tayo mga dudes na Nikonista! I love the write ups din at halatang nag-eenjoy nga kayo dalawa sa Quiapo.
Yan gusto ko rin gawin sa buhay ko!
Photowalk din po tau in the future bros.
Para lang kayong naki festival ah...
great shots!
nong alam na. hahaha. kritsurs.
gusto ko sana pumunta for the sake of taking pictures pero buti nalang nanaig ang ayaw dahil baka maipit lang.
aabangan ko yan sa GMA (actually sa GMA News TV, formerly QTV 11, ang May Tamang Balita). hahaha
First glance ko pa lang pansin ko na agad ang shot ng mga paa at sapatos. Yon pala ang gaganda ng camera nyo! Tama talagang ang mga backpack nyo ay nasa front. At gustong-gusto ko yong shot nyo sa everlasting ba ang tawag ng bulalak na yan? (I just don't want it on my neck, lol) Naku naman si Manong parang ako tuloy ang atakihin. At bakit nga ba maroon ang kulay kapag ganitong piyesta?
Thumbs up ako sa trip nyo.
congrats! ang ganda ng kuha niyo! hehehe nakakatuwa naman
Intense niyo mga Tripapips! Kahit kailan di ko maiisipang makisabay sa prosesyon dahil sa dami ng tao. Ibang klase kayo! Mga idol! Apir!
Mas masarap talaga ang tunay na karanasan kesa mga nababasa o napapanood lang. Sa ngayon ay hindi ko pa naranasan sa tunay na buhay ang makilahok sa Piyesta ng Quiapo. Sana sa darating na panahon ay maranasan ko rin ang dinanas ninyo.
sobrang naaliw aq sa post na to hahaha iluv ur photos lalo n ung first!
di pa ako nakakasali sa ganito ka daming taong prusisyon... di ko rin kasi trip ang makipagsiksikan... mas gugustuhin ko pang manalangin sa isang lugar na tahimik at di magulo... sabagay, kanya-kanyang paniniwala lang yan... at least naranasan nyo, me fulfillment... Yahweh bless.
Ayos ang trip n'yo sana ay gawin n'yo yang panata. Nakakatuwa ang mga litrato na iyong inilathala. Isang ibednsiya ang masaya at matibay na samahan.
Ayos opening picture mo ah. Never pa ako nakapunta sa event na toh. Pero ayoko rin kasi pumunta eh. Kaya pala marami sa quiapo naka shirt na ganyan.
Lord forgive them for they know what they are doing! Those fanatics have their own reasons why they are doing that every year, since it became now a tradition. What are we going to do to stop such false belief? We don't have any option to prevent them in practising that kind of falsehood. Instead, we pray for them that they may not be harm, no untoward things may happen to them, and they may realize there is a living God and a living Son, what are stretching for their hands if they repent and straighten their faith in a true and living God.
wow! ang ganda ng blog mo! ang gaganda pati ng mga pictures! galing! :)
I haven't witness this festive celeb. Pero mukhang di ko kakayanin sa init ng araw at sa sikip. Hikain pa naman din ako.
nakakaloka kayo! wala akong masabi sa trip niyo na kakaibang level ...
ang saya! wala yang kagayan nyan dito sa davao...
grabe nag enjoy ako sa trip nyo, galeng!
always curious ano nangyayare dun thnx for sharing
looks like nag-enjoy kayu, hindi ko yata kaya yung ganyang karami tao, nice shot
meron din dito sa amin sa cdo but not as grabeh jan na with uniform talaga and nka paa lng...:-)
imba ang pictures ninyo mga idol.
natuwa ako sa lumilipad na Dora
Ha ha ha Ito ba yun sinasabi mo? dito ko ba sasabihin review ko? Ayos naman ang kaso lang sobrang haba. Pero mukha naman natuwa sila so okay na rin siguro. Kain ka ng kain sa kalsada may libreng Hepa yan! Naku makukutusan kayo ng nanay ninyo! Sama ka? Photowalk tayo para mabigay mo na pasalubong mo sa akin ha ha ha!
http://travel-on-a-shoe-string.blogspot.com/2011/03/i-survived-brain-aneurysm.html
ayos! napasama kayo sa GMA! kelan daw ipapalabas? lagay niyo sa FBW abangan natin!
PS: gusto ko tuloy ng fishball after reading this entry. iheytchu :p
Much support, Christia
_______
Savouring Didi’s Pizza from Christia's World
yay, a post with humor! Grabe talaga ang kinakabig nilang devotion. It's amazingly scary to watch it on tv... i know people have died in the past. Nice field report! I love the photos.
i admire those that really have strong faith for this. pero yung iba kasi nagiging idolatry na lang. kaya the end result is nagkakagulo kasi nag-uunahan ang mga 'namamanata' para sa 'pagtanggap umano ng biyaya'
i really am not in a position to really tell...
anyway, great shots - photos pa lang istorya na
Post a Comment