Jan 1, 2012

Bulakbol sa Dasol, Pangasinan

Paalam 2011 at maligayang pagsalubong sa bagong taon!

Dahil ito ang unang araw ng 2012 ay minarapat na naming simulan ang aming unang paglalakbay. Magsisimula kami sa aming pinakaunang TRIP at ito ay sa lugar na tinaguriang "The Salt Capital of the Philippines". Saan pa nga ba kundi sa Pangasinan.

Nagkayayaan lang kami kung bakit kami napadpad sa Pangasinan. Wala talagang plano. Kumbaga sa isang manlalakbay, walang intinerary . Ang aming kaibigan na si Von ang may pasimuno ng lahat.

Nung niyaya kami ni Von, syempre hindi kami naniwala. Mahilig kasi siya mag-aya, pero  wala namang natutuloy. "Tokis" o talkshit nga tawag namin sa kanya. Biruin mo naman, magpaplano ng inuman ng barkada, pero sya din naman ang hindi pupunta, eh pano pa kaya kung lakwatsa out-of-town ang plano? Pero hindi rin namin itatangging gusto namin pumunta sa Pangasinan, lalo na kung libre ang tirahan at pagkain. Sino pa ba naman ang aayaw? Kaya nagdadasal kaming sana ay magkatotoo.


At nagkatotoo nga. 

'Nong nalaman naming hndi nagbibiro si Von ay nag-ayos kami agad-agad ng mga damit at gamit namin. Okey lang kahit may maiwan kaming ibang gamit. Ang importante ay matupadang promise ni Von samin. Dali-dali kaming pumunta sa Pasay Bus Terminal at naghanap ng biyaheng Pangasinan. Sumakay kami ng Victory Liner papuntang Alaminos. Mga alas sais ng hapon na kami nakaalis. Mahigit anim na oras din ang byahe. Dumating kami ng Alaminos ng alas dose ng gabi. Pero kailangan pa namin magjeep papunta sa bayan ng Dasol. Doon kasi ang aming tungo.

Haneps! Sa anim na oras naming byahe, wala pa pala kami sa paruruonan namin? Talaga naman o! At napakamalas dahil wala nang jeep na bumabyahe 'nong oras na 'yon. Hindi ba niloloko na naman kami ng mabait naming kaibigan? Hmm. Magtricycle na lang daw kami. At habang naghihintay ng masasakyan ay nagyosi muna kami, pampalipas oras. At buti ay may mamang drayber na pumayag na bumyahe. Ilang minuto lamang ay nakarating na rin kami sa wakas.

At pagkarating namin sa mansyon nina Von, imbes magpahinga ay nag-inuman kami. Wala nang bukas na tindahan sa lugar nila pero buti na lang, may baon kaming Red Horse. :)


Kinabukasan ay pumunta kami sa Tambobong Beach, isang napakagandang dagat, puti at pino ang baybayin, nagluluntian ang mga halaman sa tabing-dagat, presko ang hangin at wala pang masyadong tao. Dahil walang masyadong tao, nahirapan din kaming maghanap ng matutuluyan.




Wala naman kaming kakilala doon. Kaya nilakad namin ang kahabaan ng baybayin hanggat nakakita kami ng isang resort. Ngee! Soyal no? May resort pala, akala namin nag-iisa lang kami doon, may kasama rin pala kaming iba. Pero masmapapaganda ang adventure namin nito dahil may tutulong samin sa paglalakbay.

Pagod na pagod kami sa kakalakad, hanggang nakarating kami sa aming mumunting tahanan. May mga kwarto naman na pwedeng tuluyan doon, pero pinili namin ang isang maliit na kubo at para lang kaming nagbabahay-bahayan. Nagpahinga kami ng ilang sandali at agad-agad na kaming tumuloy sa aming gala.

Ang sarap tingnan ng paligid. Ang tanging maririnig mo lang ay mga lagapak ng alon sa baybayin at ang ingay ng mga ibon. At wala na kaming sinayang pang oras kaya sinimulan na namin ang pag-ikot sa karagatan. 

Nagrenta kami ng isang bangka na maglilibot samin at ihahatid kami sa isang isla.Narating namin ang isang isla at doon namin inubos ang aming oras. Walang katao-tao sa lugar na iyon. Kaming tatlo lang at si mamang bangkero. Naligo kami halos buong oras nang itinagal namin doon.





















Pumasok kami sa kweba at tuwang tuwang naligo "ulit" sa isang malaswimming pool na lugar habang hinihintay pumasok ang hambas ng mga alon sa loob. Para kaming mga batang first time makaligo sa swimming pool. 


At bago maubos ang oras namin sa kakaligo ay minarapat na rin naming maglakad lakad upang masilayan ang buong kagandahan ng lugar at tanawin.




Bago pa man kami maabutan ng dilim ay bumalik na kami sa resort. Doon na namin pinagpatuloy ang pagligo. Naglaro, nagpicture picture hanggang mapagod.



Nagbanlaw. Nagutom at lumamon. Lahat ng pagkain ay galing sa mabait na yaya ni Von. At nais namin siyang pasalamatan sa calamari, adobong manok at adobong pusit na pinabaon nya saamin. Sa sarap nang mga pagkain, maslalo namin naenjoy ang aming bakasyon este lakwatsa. At sigurado akong talo pa nito ang mga pagkain sa mga mamahaling restaurant.

At syempre, mawawala ba ang inuman? Kinagabihan ay naglatag kami ng banig sa tabing-dagat at para F na F ay nagbonfire kami. May tindahan sa resort kaya bumili kami ng Mountain Dew at GSM Blue. Wala kami choice. Hindi nga namin alam kung pwedeng paghaluin yun pero uhaw ang lahat sa alak kaya yun na lang ang ininom namin.

Hanggang nagkalasingan at nagsayawan kami sa palibot ng sulo. Ewan kung ano ba ang sinsayaw namin pero isang ritwal daw yan ng masayang pagkakaibigan. Haha.

Kailangan naming gumising ng maaga kinabukasan. Umaga lang daw kasi ang byahe ng jeep pabalik sa bayan. Pero oo, tanghali na kami nagising at naiwanan kami ng jeep. Wala nang masasakyan. Problema na namin kung paano bumalik sa bahay nina Von. Nagsisisihan na kami kung sino ang tinanghaling gumising. (Eh iinum-inom, malamang malalasing at tatanghaliing gumising.) At buti na lang may dumating na isang sasakyang naghahatid ng baboy. At nakusap kaming kung pwede ay ihatid kami sa bayan. 

At syempre bumaba kami para magpapicture. Ang ganda ng tanawin habang pabalik kami sa bayan. Parang nasa New Zealand lang kami na nagbeberdehan ang mga damo.


At dahil nakauwi kami ng maayos at ligtas, gusto naming pasalamatan si manong drayber at sakanyang sasakyan. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakauwi. :)


Sobrang saya ng adventure na 'yon. Ending, napatunayan samin ni Von kung gaano kasaya sa Pangasinan. At hindi imposibleng babalik at babalik kami sa Dasol. Sayang at hindi ko napicturean yung mga pagkain na inihanda samin ni Von, fresh crabs, fresh pusit, native na manok at marami pang iba. At libre yan lahat. O di ba? At masasabi naming masarap talaga ang libre. Maraming salamat kay Von at sa kanyang pamilya. At pasensya na pala at wala pa kaming DSLR nang mga araw na yan. Magtiyaga muna tayong lahat sa digicam. Hehehe. :)

22 comments:

Bien Nonoy said...

ang kulit ninyong tatlo. Mukhang nag enjoy talaga kayo sa adventure ninyo.

Lady Patchy said...

hahaha, katuwa naman ,ang kukuliot ng photos nyo. ang ganda ng napuntahan nyo kahit malayo at nahirapan kayong hanapin.you all ended up enjoying a lot. keep posting yuor travel experiences.

Michi said...

congrats on you new blog! kulit ng pictures niyo, may pareho pa kayo na short! happy new year! =)

Angela Ricardo said...

Those photos are sooo fun to look at. :) Nakakatakot yung covered with sand :P I wish you a prosperous and joyous one for 2012. More power to your blog.

xox

Korean Doll

Karla said...

Happy New Year! ^__^ Nakakatuwa naman ang blog nyo. Ang kulit ng mga pictures, hehe. More Tripapips sa inyong dalawa this 2012! :)

Ion said...

ayuz! looks fun! i'm an expat living in dubai and it's always refreshing to see escapes from our country...

makes me wanna book a vacation really soon.

Gil Camporazo said...

What a twist of the situation! Nakakatuwa. Magugustuhan ito ng mga pips sa inyong tropa. Masagana ang mga ginagawa ninyo. Hapi trip sa inyong tropa.... tripapips :)

Rence said...

Gusto ko punta diyan!!!

Nancy said...

Wow! What a way to welcome 2012!

Nakakatuwa naman kwento nyo! Para lang akong nagbabasa ng pina improve na komiks. Ang galing. Iba pa rin talaga ang saling Pinoy!

Long live Tripapips. Nakaka inspire kayo.

Unknown said...

OMG. Naloka naman ako sa entry na to hahahaha. Hindi ko alam kung seryoso o hindi hahaha. Win!

Rochelle Caparas said...

more than six hours of travel? waah! okay lang. worth it naman :) love the pics! parang enjoy na enjoy kayo ah. cool! :D

germz said...

lols... i can notice that the three of you are really good friends. in fact you have couple shorts?hahaha funny. nice trip though.

yuuki said...

haha...ang hirap magbasa ng tagalog...

mukhang maganda ang pagpasok ng new year sa inyong mag tipapips...more trips to come!

AJ said...

Ang saya nito basahin. Kadalasan kasi hirap ako magbasa ng Tagalog. Ilonggo kasi ako at nahahabaan ako sa mga salitang Tagalog para basahin. Pero dahil sa yo, eto napapa-Tagalog tuloy ako. :)) Dami kong na tutunan, gaya ng tokis. :p

chrisair said...

wow para kayung celebrities ah, I like your header, happy new year to both of you

Jhen said...

Haneps! ayos ang trip ng Tripapips!!! and super like ko ung heading hehe.

EdZee said...

Maganda ang simula ng 2012 para sa inyong dabarkads. Sana ay ganyang lahat ang kahinatnan ng inyong mga trips.

ralph said...

ganda talaga ng pangasinan... been there but not in their beaches (lol)... palayan yung napuntahan ko e... hahaha... glad you guys enjoyed your stay there... Yahweh bless.

Unknown said...

nice one :D galing ng adventure.

Make Money on Facebook said...

I didn't understand your post but your photos says it all.

YOu guys are crazy and so adorable!

Keep going crazy guys!

Cheers,

Andrea

Anonymous said...

A great way to end/start your year!

Admin said...

nakakatuwa kayong dalawa mga bata ! enjoy and have fun ! Bless you and ingat palagi !

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...