Mar 21, 2012
This Site Is Under Construction
Kasalukuyang inaayos namin ang aming Blog. Muli nyo kaming makakasama sa kalokohan sa lalong madaling panahon. Please Visit http://www.tripapips.com for updates. :)
Mar 3, 2012
Art Republik Launched At The NCCA
28, February 2012, Intramuros - Art Republik, the 30-minute TV program that profiles the Filipino artists on Knowledge Channel, has been launched at the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) simultaneous to the to the maiden airing of its pilot episode at 8:40 p.m. on the cable channel. The first episode titles "Siblings in Art" features sisters Sari, Aba and Kiri Lluch Dalena and brothers Roxlee and Romeo Lee.
Mar 2, 2012
Tokyo Tokyo Japanese Burgers
Galing kami sa Tokyo….Tokyo. Can you imagine, uso na rin pala sa kanila ang burger na madalas lang natin kainin sa mga food chains na iba’t-ibang burgers ang pambato? Kumbaga, maiisip mo bang ang burger ay magiging patok rin pala sa panlasa ng mga hapon?
Jan 31, 2012
Mayon Volcano and the Cagsawa Ruins, Albay
Kumusta mga ka-tripapips?! Alam nyo ba kung saan matatagpuan ang isa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas at kilala sa buong mundo dahil sa perpektong hugis nito? Ito ay ang Daraga, Albay at isa sa pinakabinibisitang lugar ng mga turista dahil dito matatagpuan ang Bulkang Mayon. At sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakarating kami sa Cagsawa Ruins kung saan makikita mo ng malapitan ang napakagandang tanawin ng Bulkang Mayon.
Jan 9, 2012
Feast Of The Black Nazarene, Quiapo
Fiesta pala sa Quiapo ngayon. Kaya pala sobrang traffic sa ka-Maynilaan. Halos lahat ng nakakasalubong naming tao ay naka-maroon na damit. At karamihan sakanila ay nakayapak lang habang naglalakad sa ilalim ng nakatirik na araw. Pagod, naiinitan at gutom. Ito ay normal na eksena lamang tuwing ipinagdiriwang ang kapiyestahan ng itim na Nazareno. Panata nga ba ito o parusa? At para malaman ang kasagutan ay dumagsa kami sa Quiapo kasama ang napakaraming tao at yan ang TRIP namin ngayon! Tara mga tripapips!
Jan 1, 2012
Bulakbol sa Dasol, Pangasinan
Paalam 2011 at maligayang pagsalubong sa bagong taon!
Dahil ito ang unang araw ng 2012 ay minarapat na naming simulan ang aming unang paglalakbay. Magsisimula kami sa aming pinakaunang TRIP at ito ay sa lugar na tinaguriang "The Salt Capital of the Philippines". Saan pa nga ba kundi sa Pangasinan.
Nagkayayaan lang kami kung bakit kami napadpad sa Pangasinan. Wala talagang plano. Kumbaga sa isang manlalakbay, walang intinerary . Ang aming kaibigan na si Von ang may pasimuno ng lahat.
Nagkayayaan lang kami kung bakit kami napadpad sa Pangasinan. Wala talagang plano. Kumbaga sa isang manlalakbay, walang intinerary . Ang aming kaibigan na si Von ang may pasimuno ng lahat.
Nung niyaya kami ni Von, syempre hindi kami naniwala. Mahilig kasi siya mag-aya, pero wala namang natutuloy. "Tokis" o talkshit nga tawag namin sa kanya. Biruin mo naman, magpaplano ng inuman ng barkada, pero sya din naman ang hindi pupunta, eh pano pa kaya kung lakwatsa out-of-town ang plano? Pero hindi rin namin itatangging gusto namin pumunta sa Pangasinan, lalo na kung libre ang tirahan at pagkain. Sino pa ba naman ang aayaw? Kaya nagdadasal kaming sana ay magkatotoo.
Subscribe to:
Posts (Atom)