About

Oo. Tama! Trip lang din namin kung bakit namin simulan ang Tripapips.com. Ito ay para ibahagi na rin namin ang aming mga trip sa buhay sa pamamagitan ng pagba-blog. Pero syempre, bago nagsimula ang Tripapips.com, masnaunang nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Magkaklase kaming dalawa nung kolehiyo. Tulad ng ibang estudyante, maliban sa "pag-aaral" ay mahilig din kaming magbulakbol, uminom, gumala at lalo na magtrip. Magbulakbol pagkatapos ng klase, uminom kasama ang barkada, gumala kung saan saan at magtrip para may pagkatuwaan. Hanggang magtapos kami ng kolehiyo, solid dabarkads pa rin kami at hanggang ngayon, mahilig pa rin kami magbulakbol, uminom, gumala at magtrip.

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)

Kaya sana samahan nyo kaming tahakin ang iba't ibang trip namin sa buhay. Katuwaan lang para habang nagsasaya kami ay naibabahagi rin namin ang aming mga karanasan.


Tungkol kay Jong Bautista

Ako si Jong. Ipananganak noong December 29 at nakatira sa Makati. Ako daw pinakaloko-loko sa barkada. Gusto ko lang mapasaya ang barkada ko. Marami din ang bagay na kinahihiligan ko. Isa na dito ang musika. Mahilig akong kumanta, gumawa ng mga awit at tumugtog ng gitara. Mahilig din akong magluto at sumubok ng iba't ibang pagkain. Mahilig akong gumala sa iba't ibang lugar. Pero syempre gusto ko pa rin libutin ang Pilipinas at ang buong mundo. Sino ba naman ang ayaw di ba?


Tungkol kay Noks Sosa

Noks ang tawag sakin ng mga kaibigan ko at mga taong malalapit sakin. Kaya kapag close tayo, Noks ang tawag mo saakin. Ipinanganak ako noong January 22 sa Catanduanes. Mahilig ako maglakbay kung saan saan. Syempre kasali an dito ang hilig ko sa photography. Gusto ko kunan ang mga lugar na napupuntahan ko.Kung musika ang hilig ni Jong, ako naman ay pag sasayaw. Katunayan nito ay dati akong kabilang sa mga grupo ng mananayaw nung elementary at high school ako.


If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them to: tripapips@yahoo.com. You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming ibang trip, add us on Facebook.

Salamat.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...