Mar 2, 2012

Tokyo Tokyo Japanese Burgers

Galing kami sa Tokyo….Tokyo. Can you imagine, uso na rin pala sa kanila ang burger na madalas lang natin kainin sa mga food chains na iba’t-ibang burgers ang pambato? Kumbaga, maiisip mo bang ang burger ay magiging patok rin pala sa panlasa ng mga hapon?

Nagutom kami sa trapik habang papunta kami sa Tokyo Tokyo. May ilalabas kasi silang mga burgers na siguradong papatok sa panlasa ng lahat. Well, swak na swak agad samin kasi bukod sa gutom na kami at pagdating sa kainan ay hindi pahuhuli, pamatay sa sarap yung mga burgers na natikman namin. Tatlong iba’t-ibang burgers ang talagang bago sa panlasa namin ang tinikman namin sa Tokyo Tokyo.



UNANG ISINABAK: SHOGUN BURGER! 

Kakaiba ‘to kasi alam mong iba ito sa mga tipikal na burgers na madalas mo tikman. Hindi talaga nawawala ang Japanese taste nito. MapapaHADOUKEN talaga ka sa sarap nito! 

Shogun Burger
Shogun literally means commander in chief, and the Shogun Burger definitely commands your appetite with its crunchy onion rings, and premium beef patty with savory Tonkatsu sauce!



PANGALAWANG ISINABAK: SHIITAKE MUSHROOM BURGER! 

Isa sa mga burgers na mapapabalik ka sa pagkabata (parang “Ratatouille”) sa sarap at linamnam. Makakalimutan mo rin na kumain ka na pala ng isang burger kanina dahil nawala rin sa isip mong busog ka. 

Shiitake Mushroom Burger
Shiitake mushroom has been a well-known classic delicacy in Asia for centuries, and Tokyo Tokyo made it even better with this delectable Shiitake Mushroom Burger with Teriyaki sauce and shiitake mushrooms.



IKATLONG ISINABAK: GODZILLA BURGER! 

Pangalan palang masasabik ka na tikman kasi alam mong malaki ang burger na ito. “LAMON” ang gagawin mo sa burger na ‘to at kailangan mo ng malupit na “CHAKRA” (parang NARUTO lang) para kainin ‘to.  

Godzilla Burger
For those with double the appetite for delicious food, Tokyo Tokyo created the Godzilla Burger! An irresistible double premium beef burger patties with zesty Japanese mayo and slices of cheddar cheese. 


ANG HULING ISINABAK: DANIEL MATSUNAGA!

Aba! Makakasama rin pala namin ang endorser ng mga burgers ng Tokyo Tokyo! Panalo! Kumpleto talaga sa rekado ang pagpunta namin sa Tokyo…Tokyo. Siyempre ikaw ba naman papahuli ka sa picture kasama ang artista? Hahahah! At siyempre hindi kami papatibag pagdating sa KA-EHEM-“GWAPUHAN”!  ;-)



 


















Isang bagong karanasan samin lalo na sa panlasa namin ang pagpunta sa Tokyo Tokyo. Bukod sa naibsan ang kumakalam na sikmura namin, busog na busog din kami sa saya ng experience namin doon. Muli naming babalikan at malamang kumain ulit kami ng masasarap na Japanese burgers na ito. Try niyo rin! Baka mapaKAGEBUSHIN technique din kayo! See ya!










No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...